Tuesday, July 5, 2011

Sino si Rizal para sa Kabataan?

Sino si Rizal para sa Kabataan?

Bago ko simulan ang sulatin na ito, nagsimula ako ng isang pagbobotohan dito sa Tumblr na may katanungang, “Maliban sa pagiging pambansang bayani ng Pilipinas, sino si Jose Rizal para sa iyo?”
Karamihan ng tingin ng kabataan kay Jose Rizal ay isa siyang babaero. Marahil, hindi natin siya masisisi kung marami siyang kalaguyo sa kadahilanang siya ay pumunta sa iba’t ibang bansa upang mag-aral, manggamot at ilimbag ang kanyang mga nobela.
Pero, bakit nga ba naging babaero si Rizal?
Bakit sa dinami-dami ng maaring gamitin na pang-uri, babaero o womanizer ang napili ng karamihan? Maari naman natin sabihin na siya ay isang manggagamot, manunulat o kaya inspirasyon ng kabataan.
Ito ba ay isang senyas na nagsasaad na iba na ang tingin ng kabataan sa ating pambansang bayani?
Ano ba ang ibig sabihin ng babaero o womanizer?
Ang womanizer ay isang lalaki na nagkaroon ng sabay-sabay na relasyon sa maraming babae. Ang tanong, pinagsabay-sabay ba ni Rizal sila Beckett, Rivera, Valenzuela, Boustead, Katigbak, Bracken, O Sei San, Ortiga at Jacoby?
Hindi pinagsabay-sabay ni Rizal ang siyam na babae. Nagkataon lang na marami sila.
Kung ikaw ay tatanungin muli, sino si Rizal para sa’yo?

No comments:

Post a Comment