Talamak ang pag-insulto at pang-aaway sa mga paaralan ngayon. Hindi lamang sa Pilipinas ngunit, pati sa ibang bansa. Dalawa lamang ang rason kung bakit mayroong mga bully sa mga paaralan. Panguna, feeling ng mga bully ay malakas sila kapag mayroon silang nasasaktan. Pangalawa, biktima rin sila ng bullying dati.
Mas pinipili ng mga bully na insultuhin o saktan ang mga taong ayaw nila ang itsura o ugali. Madalas nagiging biktima ng bullying ang mga nerd, payat o lampa at LGBT. Depende rin kasi sa social standing yan sa paaralan. Mayroon talagang mga sikat, pasikat at mga hindi kilala.
Maliban sa physical na sakit na mararamdaman ng mga biktima ng bullying, ramdam rin nila ang emotional hurt at takot. Ito ang tipong, hindi sila mapanatag na ligtas sila sa paaralan nila. Ramdam nila, palaging mayroong aatake sa kanila.
Nakakaapekto ang bullying sa pag-aaral ng isang estudyante. Hindi kasi sila nakakapagfocus. Mas iniisip nila kung paano sila makakapagtago.
Kung biktima ka ng bullying, ang dapat mo na gawin ay sabihan ang isang nakakatanda. Maaring sabihan mo ang iyong guro o adviser sa klase. Una sa lahat, dapat hindi ka matatakot. Dapat handa ka na ipaglaban ang sarili mo.

No comments:
Post a Comment