Tuesday, July 5, 2011

LGBT

LGBT

Iba’t iba ang pananaw ng mga Pilipino pagdating sa isyu ng LGBT o Lesbian, Gay, Bisexual and Transgenders. Pero, karamihan ng mga Pilipino ay malakas ang diskriminasyon sa mga taong nabubuhay sa ganitong uri ng sexual orientation.
Dalawa ang opinyon ng mga tao ukol sa LGBT. Ito ay ang opinyon ng simbahan at ang opinyong pang-agham.
Para sa simbahang Katoliko, walang ginawa ang Diyos na third sex at mayroon lamang kinikilalang dalawang uri ng sexual orientation, ang lalaki at ang mga babae. Para sa agham, isang disorder ang pagiging LGBT.
Hindi natin masisisi ang mga tao sa iba’t ibang pananaw nila ukol sa isyung ito. Sadyang mayroon tayong mga opinyon na taliwas sa paniniwala ng iba. Pero, sa lahat ng mga maaring masabi tungkol sa LGBT, isang bagal lang ang ating hindi maitatanggi. Ito ay ang diskriminasyon na natatanggap nila mula sa karamihan.
Mayroon diskriminasyon sa isang lipunan dahil ang karamihan ay hindi kayang tanggapin ang isang bagay na unti-unting nagiging parte ng sosyedad.
Bakit nga ba na hindi natin matanggap na mayroong LGBT community na nabubuhay, hindi lamang sa Pilipinas ngunit sa buong mundo?
Hindi mali ang pagiging miyembro ng LGBT community. Hindi rin natin masasabi na ipinanganak silang ganoon dahil tayo ang pumipili ng gusto natin sa buhay. Ngunit hindi nila pinili na mabigyan ng kahihiyan at diskriminasyon. Pinili nilang matanggap kahit sa pinakamaliit na bagay lamang.
Maraming kaso kung bakit nagkakaroon ng third sex, kung ating tatawagin, sa ating lipunan. Marapatin na lang na atin itong tanggapin. Walang masama sa pagiging kasapi ng LGBT community. Hindi rin masama kung tatanggapin mo sila at ang pagkaroon ng third sex.

No comments:

Post a Comment