Puppy Love
Ang pag-ibig walang pinipiling tao. Lahat tayo tinatamaan nito. Siguro kahit noong bata ka pa, may itinuturing ka na tao na binansagan mong puppy love. Sabi ng lahat, ang puppy love ay wala lang, tipong makakalimutan mo at lilipas din.Puppy love. Bakit puppy love ang tawag at hindi first love?
Marami ang nagsasabi na ang puppy love ay infatuation lamang. Ito ay parang lubusang paghanga sa isang tao, opposite sex man o hindi.
Para sa akin, ang puppy love, nanatili sa’yo yan hanggang sa iyong pagtanda. Iba kasi ang first, iba rin ang last.
Parang first kiss ang puppy love. Hindi mo malilimutan. Iba ang kirot ng puppy love, kikiligin ka parin kahit luma na.
Para sa’yo, ano ang puppy love? Does it stay with you?
No comments:
Post a Comment