Tuesday, July 5, 2011

Bakit ka ba tinatamad?

Bakit ka ba tinatamad?

Naging parte na ng buhay estudyante ang pagiging tamad o ang pagdelay ng mga gawaing akademiko. Bakit ba naging parte ito ng buhay estudyante? Kasama ba talaga ito o hinayaan natin na masama ito?
Apat lamang ang rason kung bakit tamad ang estudyante.
  1. Hindi niya gusto ang ipinapagawa sa kanya ng kanyang guro.
  2. Mayroon siyang kagrupo na wagas gumawa at angkinin lahat ng trabaho. Kaya para sa kanya, bakit ka pa gagawa kung may gagawa na naman?
  3. Pagod na siya mag-aral.
  4. Hindi mo nakamit ang gusto mong marka kaya tinamad ka na lang. Bakit mo pa susubukan muli kung mabibigo ka lang naman?
Lahat ng mga nabanggit ay hindi magandang rason dahil sa una pa lamang, dapat hindi tayo maging katulad ni Juan Tamad. Ayon kay Rizal, tayo ang pag-asa ng bayan. Paano magkakaroon ng pag-asa ang Pilipinas kung tayo ay tamad?
Lahat ng magulang ay gusto ang kanilang mga anak na makakuha ng mataas na marka. Pero hindi iyon ang mas importante. Para sa kanila, basta magawa mo ang makakaya mo at mapasa mo lahat ng marka mo sa iyong mga asignatura, masaya na sila.
Kung ikaw ay madalas na nagrereklamo na palagi kang mababa sa lahat ng marka mo, magisip-isip ka. Hindi dapat lahat sa guro isinisisi ang lahat, may parte din tayo sa ating pag-aaral. Tayo ang gumagawa ng marka natin, hindi sila. Kung ano ang itinanim, siya ang aanihin.
Tamad lang ang bumabagsak at pumapalpak sa buhay, ang bobo hindi.

No comments:

Post a Comment