Tuesday, July 12, 2011

LRT at MRT


Hindi na siguro nakapagtataka ang dami ng tao sa LRT o kaya sa MRT. Maliban sa highly densed ang populasyon sa Maynila at ang LRT at MRT ay kabilang sa mga pangunahing transportasyon sa Maynila, tiyak na mapapabilis ang iyong biyahe sa napakamurang halaga.
Laging sumasagi sa aking isipan ang mga bagay-bagay na hindi ko kayang masikmura kapag sumasakay ako sa LRT o kaya sa MRT.
  • MGA LALAKING NAKASANDO: Maliban na lang kung ikaw ay isang artista, hindi kita gagalangin. Bukod kasi sa napainit na nga sa loob ng tren at sobrang sikip, dumidikit pa ang mga braso mong malagkit sa akin. Hindi kasi kaaya-aya kapag inilalahad mo pa ang kili-kili mong may buhok habang malalaman namin na nakalimutan mong Rexona won’t let you down.
  • CHIT-CHAT: Pagod ka na nga galing paaralan o kaya opisina, may maririnig ka pa na usap nang usap sa loob. Mga grupo ng mga magkakaibigan. Feeling kasi nila narentahan nila ang buong tren at wala silang kasama. Sobrang ingay kung magusap. Magkaharap lang naman sila.
  • “EXCUSE ME”: Hindi ako sigurado kung sa Pilipinas lang nangyayari ang ganito: mayroong mageexcuse me sa likod mo, pararaanin mo siya tapos sabay ka niyang hahawiin. Narinig kita, pero please, sandali lang. Takot ka bang maipit sa pinto? Hindi mo kailangang manulak.
  • MR DJ: Batas na siya sa loob ng tren. Bawal gumamit ng mp3 o iPod ng hindi nakaheadset o headphones. Hindi lang talaga sila nakakaintindi. Ang aga-aga tapos ang lakas-lakas ng sounds mo. Magugulat ka na lang na biglang Willie Revillame pala ang pinakikinggan niya.
  • BODY ODOR: Kasama ito kay mamang nakasando na nabanggit ko na sa itaas. Masyado siyang nagpapawis at halatang nagtitipid sa deodorant.
  • HINDI GENTLEMAN: May buntis, pilay, matanda o kaya babae pero ang mga lalaking malulusog at malalaki ang katawan hindi man lamang tumayo. ang dahilan nila, hindi na uso ang gentleman ngayon dahil hindi naman nagpapasalaman at mga pinapaupo. Magandang dahilan ba iyon? Hindi ka tunay na lalaki kapag ganyan ang pananaw mo. Hindi ka na naawa kay lola.
  • FEMALE AREA: Hindi ko maintindihan kung bakit may mga lalaki na pumunta o sumasakay sa female area. Tama, FEMALE AREA. Ang mga sikyo naman, hindi sinisita. Kaya sila sumasakay, kasi hindi binabati.

No comments:

Post a Comment