Follow Instructions
Lahat tayo ay nagdaan sa instructions. Instruction sa paggamit ng bagong appliance, instruction sa pag-apply at higit sa lahat, instruction sa exam. Pero, hindi alam ng iba na madalas natin nilalabag ang mga instructions, o panuto sa ating sariling wika, sa halos lahat ng may panuto.Isang halimabawa na lamang ang sitwasyon ng mga high school students.
Minsan, kapag nakapower trip ang mga guro, hindi sila pumapayag gumamit ng calculator tuwing exam. Lalo tuloy humirap ang exam sa Math. Pero, hindi Math ang punto ko dito, kundi ang calculator.
Bakit nga ba tuwing sinasabi ng guro natin na “No calculators,” parang lumalabag tayo at ayaw natin sundin ang panuto nila? Tatanungin pa natin, “Ma’am/Sir, bawal calcu?” Ano ba naman yan, ang kulit.
“Ma’am/Sir, sige na. Hayaan niyo na po kami magcalcu. Sige na po…”
Ang punto ko, bakit hindi natin kayang sumunod sa mga panuto? Simpleng bagay, pinapalaki pa natin. Dagdag sa stress, sabi ng iba. Kaysa makipagdebate ka pa sa guro mo, huwag ka na lang kayang gumamit ng calcu.
Dito pumapasok ang usapang rebelde at rebolusyonaryo.
Ang rebelde, laban ng laban para sa pagbabago pero siya, hindi naman nagbabago. Ang rebolusyonaryo, magbabago para magkaroon ng pagbabago.
Sa simpleng pagsunod lang ng mga panuto, maari kang maging rebolusyonaryo.
Sumunod na lang sa panuto. Huwag na maging pasaway.
No comments:
Post a Comment