Hindi natin maiiwasan na mabore sa isang klase lalo na kapag wala kang interes sa subject o sa istilo ng pagtuturo ng guro mo. Ang listahan na ito ay naglalaman ng iba’t ibang uri ng libangan na maaring gawin sa loob ng classroom habang nagtuturo si Ma’am ng Newton’s 2nd law of motion.
- F.L.A.M.E.S - Sa larong ito, susubukan mo kung compatible kayo ng crush mo na palaging mong tinititigan tuwing klase, recess at lunch break.
Things needed: Ballpen at papel
Instructions: Isulat ang buong pangalan at ang pangalan ni crush. Alisin ang common letters ng pangalan ninyong dalawa at bilangin ito. Matapos i-cross out at bilangin, gamitin ang acronym na f.l.a.m.e.s at itapat ang pagbilang nito sa dami ng common letters ng pangalan ninyo. Kapag tumapat sa S at hindi pa tapos ang bilang, bumalik sa F. Ulit-ulitin hanggang matapos magbilang.
Meaning ng acronym na F.L.A.M.E.S: Friends, Lovers, Admirers, Married, Engaged, Soulmates.
Kapag hindi nakuntento sa sagot, gamitin ang H.O.P.E. - Hindi, Oo, Puede at Ewan. Same instructions lang din katulad sa F.L.A.M.E.S.
- OUTER SPACE BATTLE / GIYERA - Maglalabanan kayo ng kaibigan mo. Parang outer space battle.
Things needed: Ballpen, dalawang ballpen na magkaiba ang kulay at detergent bar.
Instructions: Gumawa ng base sa opposite sides ng papel. Magkaiba ang shape ng mga minions ninyo. Puedeng star, bilog, square, oval, heart o kahit anong shape. Idulas ang ballpen sa papel upang makatira. Kapag tinamaan ang minion ng kalaban, back to base siya. Ang unang makaabot sa base ng kalaban, siya ang panalo.
Gamitin ang detergent bar panglaba ng uniform dahil tinamaan ito ng tinta ng ballpen.
- S.O.S - Simpleng laro para sa two players.
Things needed: Ballpen at papel na may grid.
Instructions: Parang tic-tac-toe ang drama pero SOS ang bubuuin mo.
At kapag recess naman o lunch break, maari mong laruin ang mga nabanggit sa ibaba.
- TOUCH BALL - Parang dodge ball ng mga Kano pero pang-Pinoy ang dating.
Things needed: Scotch tape at papel.
Instructions: Gumawa ng bolang papel na malaki at balutan ito ng sandamakmak na scotch tape. Dapat matigas ito at matibay.
Mayroong dalawang teams na magtatayaan gamit ang bola. Babatuhin ng bola ang isang taya sa gitna ng magkabilang tao sa gilid. Kailangan umiwas ng taya sa bola upang maisalba ang buhay niya. Kapag nasalo niya ang bola, may extra life siya. Kapag nataya lahat ang miyembro ng isang team, magpapalitan ng roles. Mangtataya naman ngayon ang kaninang tinataya. Paramihan ito ng matataya.
- DR. KWAK-KWAK - Magpupulupot kayong mga magkakaibigan at susubukan itong isolve ni Dr. Kwak-Kwak (taya).
Things needed: Mga kalaro.
Instructions: Mayroong isang taya na magtatakip ng mata habang magpupulupot at isang grupo. Susubukan itong isolve ni Dr. Kwak-Kwak. Kapag natanggal ni Dr. Kwak-Kwak ang pagkakapulupot, tatanggalin naman niya ang pagkakabigkis ng mga miyembro ng grupo. Kapag natanggal lahat, habulan na. Ang mataya, siya ang susunod na Dr. Kwak-Kwak.
- SIPA - Ang pambansang laro ng Pilipinas.
Things needed: Washer, straw.
Instructions: Gumawa ng sipa o maaring bumili na lang din. Tamaan ang sipa gamit ang paa ng paulit-ulit. Dapat hindi ito malaglag.
- MORO-MORO - Parang agawan base at ubusang lahi.
Things needed: Kalaro at dalawang base.
Instructions: Kailangan ng dalawang base na babantayan ng dalawang tao. Magtatayaan ang dalawang grupo. Parang ubusang lahi. Dapat mahawakan ng kalaban ang base ng kabila upang manalo.
- PEPSI - 7 UP - Parang freeze game na may habulan sa dulo. Cool.
Things needed: Mga kalaro.
Instructions: Mayroong taya na nakatalikod sa mga manlalaro. Babanggitin niya ang Pepsi habang nakatalikod. Puede prolonged ang pagkakasambit. Habang nakatalikod ang taya, lumalapit sa kanya ang mga manlalaro. Haharap ang taya kapag sinabi niyang 7 UP at magfrefreeze ang mga manlalaro.
Kapag nalapitan na ng manlalaro ang taya, habulan na. Ang mataya ng taya, siya ang susunod na babanggit ng Pepsi - 7UP.
No comments:
Post a Comment