Isa sa mga suliranin ng mga estudyante, at madalas ng mga high school students, ay ang pagkaroon ng mataas na self-esteem o self-confidence. Ito ay tila, hindi nila kayang magintroduce ng sarili sa klase dahil nahihiya sila.
Maraming dahilan ang mayroon sa likod ng mababang self-esteem. Depende ito sa experience ng isang tao. Ang iba, ginagawang school punching bag at inaabuso ng mga bully, ang iba pinapaulanan ng insulto at ang iba naman talagang mahiyain lang.
Bakit ka ba takot gumawa ng hakbang? Bakit ka ba nahihiya?
Noong ako ay high student pa lamang, mayroon kaming program sa school na nangangailangan ng mga student performer. Ito ay ang mga dancer, singer o kaya mga kabilang sa perfoming arts.
Pansin ko lamang na pare-parehas ang nagpeperform tuwing may program. Sila lang ba ang may talent? Maaring oo pero mas madalas na hindi ang sagot. Mayroon pang iba, nahihiya lang.
Alam mo, walang ipinagkaiba ang crowd na namamato ng kamatis at nagsasabi ng “boo” sa crowd na pumapalakpak at nagaappreciate ng ginawa mo. Parehas lang sila na gumagawa ng ingay. Kung paano mo ito tatanggapin, iyon ang ipinagkaiba.
Walang masama kung susubukan mo.
No comments:
Post a Comment