Tuesday, July 5, 2011

Define Plastic

Define Plastic

Hindi ako magaling when it comes to defining characteristics ng mga iba’t ibang tao. In fact, naguguluhan pa nga ako minsan. Malabo lang din kasi minsan kung ano ang ipinagkaiba ng isang trait sa isa pang trait.
Isa sa mga bumabagabag sa aking isipan ay ang pagiging plastic o pagiging Orocan, in gay lingo.
Ano ba ang plastic trait? Bakit plastic trait ang tawag sa pagiging fake?
Ayon sa Biology, ang plastic phenotype ay ang kakayahang magbago ng isang organismo sa pagbabago ng kalikasan. Adjust, kung maitatawag natin sa ibang salita.
Sa tao naman, kaya plastic kasi nagbabago ka. Parang phenotypic plasticity na isinaad sa itaas. Masasabi natin na, pabago-bago ang iyong mga katangian at ugali sa harap ng iba’t ibang tao.
Ito ang tanong, masama ba maging plastic phenotype? Matatawag ba natin na fake ang mga taong plastic?
Para sa akin, may mga level o grado ang pagiging plastic ng tao. Ito ang sumusukat kung masama na ang pagiging plastic o hindi.
  1. LEVEL 1 - Plastic ka sa ibang tao para hindi mo masaktan ang damdamin nila. Tinitiis mo silang tanggapin despite sa ayaw mo sa mga katangian o ugali nila. Sa maikling salita, takot ka kaya nagpasya ka na lang maging plastic.
  2. LEVEL 2 - Plastic ka para maging parte ka ng isang grupo na importante para sa iyo. Pinili mo ang labels over true identity. Go with the flow ang pananaw mo at hindi against the flow.
  3. LEVEL 3 - Plastic ka para makilala mo ang ibang tao at malaman ang mali sa kanila upang maibaba sila. Ito ang mga insecure na tao.
  4. LEVEL 4 - Plastic ka dahil gusto mo na mapansin ka ng iba. Nagbabago ka ng ugali para sa ibang tao. Ito ang mga tao na magbabago para magusto.
Ang mga gradong nabanggit ay maaring mag-apply sa lahat ng tao. Minsan naman, hindi mo mahahanap ang sarili mo diyan.
Para sa akin, ang pagiging plastic ay mabuti at masama. Mabuti ang pagiging plastic dahil gusto mo magkaroon ng kaibigan ang mga taong ayaw ng iba. Masama ito dahil ginagamit mo na ito bilang maskara para gustuhin ka ng iba.

No comments:

Post a Comment