Ano ang ginagawang paghahanda ng isang senior student para sa college entrance exams? Para sa akin, mayroong siyam na tips upang makasiguro ang tagumpay sa college entrance test.
- ATTEND EXAM REVIEWS - Mag-apply ka para sa examination reviews na catered ng iba’t ibang review centers. Mas madagdagan ang iyong alam at mamumulat ka sa ibang bagay na hindi mo pa nalalaman. Nakatutulong ito dahil makakakuha ka ng mga technique sa pagsagot ng mga iba’t ibang uri ng exam.
- CAREER FAIR - Importante na alam mo ang goals mo sa buhay at ang mga ambitions mo. Attend career fairs para mas malinaw sa’yo ang mga possible careers kapag kumuha ka ng isang kurso.
- JOT DOWN - Mas mainam kung magsusulat ka ng mga importanteng detalye ukol sa college entrance exams. Take down mo ang date ng exams, ang pagsumbit ng application forms at iba pa.
- READ - Hindi mo naman kailangan malaman lahat, basta marami ka lang alam. Kung ano ang subjects mo noong high school, iyon lang din ang laman ng entrance exam. Ang ibang exams, may essay kaya mas maganda kung wide reader ka para mas broad din ang compositions mo sa exam.
- FOLLOW INSTRUCTIONS - Bago magsimula ang exam, basahin muna ang instructions. Huwag excited. Mas maganda kung masusunod ang panuto dahil kung hindi, maaring maforfeit ang exam.
- NO. 2 PENCIL AT BALLPEN - Magdala ng no. 2 pencil at ballpen sa exam. Magdala din ng extra at isang pencil sharpener. Iba na ang handa.
- SCAN THE EXAM - Go through the exam first. Basahin mo muna ang mga tanong at sagutin ang mas madali. Nakakatipid ito sa oras lalo na at gipit ka dahil sa time allotted.
- SHADE PROPERLY - Sa ibang exam, shading ang nangunguna dahil multiple choice ang type. Ayusin ang pagshade, huwag kulang. Huwag na huwag ka rin lalagpas, hindi ka na preschool.
- FINALIZE - Bago isubmit ang exam, siguraduhin ang mga sagot at siguraduhin na nasagutan ang lahat.
No comments:
Post a Comment