Tuesday, July 5, 2011

Ang Pinoy at Social Networking Websites


Ibang-iba ang setting ng social networking sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa. Hindi maiwasang sumagi sa aking isipan ang paramihan ng likes at followers tuwing naririnig ko ang pagbanggit ng Facebook ng isang Pilipino sa kapwa Pinoy.
Bakit ganito ang social networking para sa mga Pilipino? Paramihan ng likes. Paramihan ng followers, friends or contacts.
Para sa akin kasi, ginawa ang social networking websites upang mas mapadali ang communication sa pagitan ng dalawa o mas marami pang tao. Dagdag pa, ang social networking websites ay isang tulay upang mas makilala pa ng mabuti ng isang tao ang isa pang tao.
Marami lang kasi akong nakikita sa Twitter na, “please follow back,” o kaya “add me” sa Facebook.
Napakauseless lang kasi. I-fofollow kita kung gusto ko. Hindi mo kailangan diktahan kung sinu-sino ang dapat kong ifollow o i-add.
Kung insecure ka sa mga internet celebrities, ibahin mo ang pananaw mo. Hindi naman instant ang status nila sa internet. Pinaghirapan nila iyon. Kung ano man ang ginawa nila, siguro, marami ang nagkaroon ng interes.
Para saan ba ang like Facebook? Para sa contest ba?
Hindi ko lang talaga maintindihan. Ang gulo.

No comments:

Post a Comment