Thursday, August 4, 2011

M.U (Mutual Understanding)

M.U ? ano nga ba ang true meaning ng  M.U??
madaming kahulugan ang M.U . para sakin ay mayroong dalawang uri ng MU:

MU#1 (malabong usapan)
       -eto yung feeling na hindi nyo maipaliwanag ng kapartner mo yun true status nyo . hind mo alam kung gusto ka nya . kasi gusto mo din sya . o di naman takot kayong aminin yung tunay na nararamdaman nyo sa isa't isa kasi iniisip nyo ang pagkakaibigan nyo .

MU#2 (malanding ugnayan)
       -yung kung makapag iloveyou at iloveyoutoo sa isat't isa, daig pa magbf/gf .tapos lumalabas ng silang dalawa lng .. yun bang obvious na obvious sa mga kilos ang kanilang status eh idedeny pa ..yung parang fling fling kung tawagin

iba iba man an guri ng M.U
iisa pa rin ang ugat ng lahat nga ito 
yun ay yung pagibig (LOVE)
may mga tao lng talaga na sadyang ayaw 
ihayag ang kanilang love status :Dv

Tuesday, July 12, 2011

LRT at MRT


Hindi na siguro nakapagtataka ang dami ng tao sa LRT o kaya sa MRT. Maliban sa highly densed ang populasyon sa Maynila at ang LRT at MRT ay kabilang sa mga pangunahing transportasyon sa Maynila, tiyak na mapapabilis ang iyong biyahe sa napakamurang halaga.
Laging sumasagi sa aking isipan ang mga bagay-bagay na hindi ko kayang masikmura kapag sumasakay ako sa LRT o kaya sa MRT.
  • MGA LALAKING NAKASANDO: Maliban na lang kung ikaw ay isang artista, hindi kita gagalangin. Bukod kasi sa napainit na nga sa loob ng tren at sobrang sikip, dumidikit pa ang mga braso mong malagkit sa akin. Hindi kasi kaaya-aya kapag inilalahad mo pa ang kili-kili mong may buhok habang malalaman namin na nakalimutan mong Rexona won’t let you down.
  • CHIT-CHAT: Pagod ka na nga galing paaralan o kaya opisina, may maririnig ka pa na usap nang usap sa loob. Mga grupo ng mga magkakaibigan. Feeling kasi nila narentahan nila ang buong tren at wala silang kasama. Sobrang ingay kung magusap. Magkaharap lang naman sila.
  • “EXCUSE ME”: Hindi ako sigurado kung sa Pilipinas lang nangyayari ang ganito: mayroong mageexcuse me sa likod mo, pararaanin mo siya tapos sabay ka niyang hahawiin. Narinig kita, pero please, sandali lang. Takot ka bang maipit sa pinto? Hindi mo kailangang manulak.
  • MR DJ: Batas na siya sa loob ng tren. Bawal gumamit ng mp3 o iPod ng hindi nakaheadset o headphones. Hindi lang talaga sila nakakaintindi. Ang aga-aga tapos ang lakas-lakas ng sounds mo. Magugulat ka na lang na biglang Willie Revillame pala ang pinakikinggan niya.
  • BODY ODOR: Kasama ito kay mamang nakasando na nabanggit ko na sa itaas. Masyado siyang nagpapawis at halatang nagtitipid sa deodorant.
  • HINDI GENTLEMAN: May buntis, pilay, matanda o kaya babae pero ang mga lalaking malulusog at malalaki ang katawan hindi man lamang tumayo. ang dahilan nila, hindi na uso ang gentleman ngayon dahil hindi naman nagpapasalaman at mga pinapaupo. Magandang dahilan ba iyon? Hindi ka tunay na lalaki kapag ganyan ang pananaw mo. Hindi ka na naawa kay lola.
  • FEMALE AREA: Hindi ko maintindihan kung bakit may mga lalaki na pumunta o sumasakay sa female area. Tama, FEMALE AREA. Ang mga sikyo naman, hindi sinisita. Kaya sila sumasakay, kasi hindi binabati.

Tuesday, July 5, 2011

Sino si Rizal para sa Kabataan?

Sino si Rizal para sa Kabataan?

Bago ko simulan ang sulatin na ito, nagsimula ako ng isang pagbobotohan dito sa Tumblr na may katanungang, “Maliban sa pagiging pambansang bayani ng Pilipinas, sino si Jose Rizal para sa iyo?”
Karamihan ng tingin ng kabataan kay Jose Rizal ay isa siyang babaero. Marahil, hindi natin siya masisisi kung marami siyang kalaguyo sa kadahilanang siya ay pumunta sa iba’t ibang bansa upang mag-aral, manggamot at ilimbag ang kanyang mga nobela.
Pero, bakit nga ba naging babaero si Rizal?
Bakit sa dinami-dami ng maaring gamitin na pang-uri, babaero o womanizer ang napili ng karamihan? Maari naman natin sabihin na siya ay isang manggagamot, manunulat o kaya inspirasyon ng kabataan.
Ito ba ay isang senyas na nagsasaad na iba na ang tingin ng kabataan sa ating pambansang bayani?
Ano ba ang ibig sabihin ng babaero o womanizer?
Ang womanizer ay isang lalaki na nagkaroon ng sabay-sabay na relasyon sa maraming babae. Ang tanong, pinagsabay-sabay ba ni Rizal sila Beckett, Rivera, Valenzuela, Boustead, Katigbak, Bracken, O Sei San, Ortiga at Jacoby?
Hindi pinagsabay-sabay ni Rizal ang siyam na babae. Nagkataon lang na marami sila.
Kung ikaw ay tatanungin muli, sino si Rizal para sa’yo?

Bakit ka ba tinatamad?

Bakit ka ba tinatamad?

Naging parte na ng buhay estudyante ang pagiging tamad o ang pagdelay ng mga gawaing akademiko. Bakit ba naging parte ito ng buhay estudyante? Kasama ba talaga ito o hinayaan natin na masama ito?
Apat lamang ang rason kung bakit tamad ang estudyante.
  1. Hindi niya gusto ang ipinapagawa sa kanya ng kanyang guro.
  2. Mayroon siyang kagrupo na wagas gumawa at angkinin lahat ng trabaho. Kaya para sa kanya, bakit ka pa gagawa kung may gagawa na naman?
  3. Pagod na siya mag-aral.
  4. Hindi mo nakamit ang gusto mong marka kaya tinamad ka na lang. Bakit mo pa susubukan muli kung mabibigo ka lang naman?
Lahat ng mga nabanggit ay hindi magandang rason dahil sa una pa lamang, dapat hindi tayo maging katulad ni Juan Tamad. Ayon kay Rizal, tayo ang pag-asa ng bayan. Paano magkakaroon ng pag-asa ang Pilipinas kung tayo ay tamad?
Lahat ng magulang ay gusto ang kanilang mga anak na makakuha ng mataas na marka. Pero hindi iyon ang mas importante. Para sa kanila, basta magawa mo ang makakaya mo at mapasa mo lahat ng marka mo sa iyong mga asignatura, masaya na sila.
Kung ikaw ay madalas na nagrereklamo na palagi kang mababa sa lahat ng marka mo, magisip-isip ka. Hindi dapat lahat sa guro isinisisi ang lahat, may parte din tayo sa ating pag-aaral. Tayo ang gumagawa ng marka natin, hindi sila. Kung ano ang itinanim, siya ang aanihin.
Tamad lang ang bumabagsak at pumapalpak sa buhay, ang bobo hindi.

Puppy Love

Puppy Love

Ang pag-ibig walang pinipiling tao. Lahat tayo tinatamaan nito. Siguro kahit noong bata ka pa, may itinuturing ka na tao na binansagan mong puppy love. Sabi ng lahat, ang puppy love ay wala lang, tipong makakalimutan mo at lilipas din.
Puppy love. Bakit puppy love ang tawag at hindi first love?
Marami ang nagsasabi na ang puppy love ay infatuation lamang. Ito ay parang lubusang paghanga sa isang tao, opposite sex man o hindi.
Para sa akin, ang puppy love, nanatili sa’yo yan hanggang sa iyong pagtanda. Iba kasi ang first, iba rin ang last.
Parang first kiss ang puppy love. Hindi mo malilimutan. Iba ang kirot ng puppy love, kikiligin ka parin kahit luma na.
Para sa’yo, ano ang puppy love? Does it stay with you?

Follow Instructions

Follow Instructions

Lahat tayo ay nagdaan sa instructions. Instruction sa paggamit ng bagong appliance, instruction sa pag-apply at higit sa lahat, instruction sa exam. Pero, hindi alam ng iba na madalas natin nilalabag ang mga instructions, o panuto sa ating sariling wika, sa halos lahat ng may panuto.
Isang halimabawa na lamang ang sitwasyon ng mga high school students.
Minsan, kapag nakapower trip ang mga guro, hindi sila pumapayag gumamit ng calculator tuwing exam. Lalo tuloy humirap ang exam sa Math. Pero, hindi Math ang punto ko dito, kundi ang calculator.
Bakit nga ba tuwing sinasabi ng guro natin na “No calculators,” parang lumalabag tayo at ayaw natin sundin ang panuto nila? Tatanungin pa natin, “Ma’am/Sir, bawal calcu?” Ano ba naman yan, ang kulit.
“Ma’am/Sir, sige na. Hayaan niyo na po kami magcalcu. Sige na po…”
Ang punto ko, bakit hindi natin kayang sumunod sa mga panuto? Simpleng bagay, pinapalaki pa natin. Dagdag sa stress, sabi ng iba. Kaysa makipagdebate ka pa sa guro mo, huwag ka na lang kayang gumamit ng calcu.
Dito pumapasok ang usapang rebelde at rebolusyonaryo.
Ang rebelde, laban ng laban para sa pagbabago pero siya, hindi naman nagbabago. Ang rebolusyonaryo, magbabago para magkaroon ng pagbabago.
Sa simpleng pagsunod lang ng mga panuto, maari kang maging rebolusyonaryo.
Sumunod na lang sa panuto. Huwag na maging pasaway.

Define Plastic

Define Plastic

Hindi ako magaling when it comes to defining characteristics ng mga iba’t ibang tao. In fact, naguguluhan pa nga ako minsan. Malabo lang din kasi minsan kung ano ang ipinagkaiba ng isang trait sa isa pang trait.
Isa sa mga bumabagabag sa aking isipan ay ang pagiging plastic o pagiging Orocan, in gay lingo.
Ano ba ang plastic trait? Bakit plastic trait ang tawag sa pagiging fake?
Ayon sa Biology, ang plastic phenotype ay ang kakayahang magbago ng isang organismo sa pagbabago ng kalikasan. Adjust, kung maitatawag natin sa ibang salita.
Sa tao naman, kaya plastic kasi nagbabago ka. Parang phenotypic plasticity na isinaad sa itaas. Masasabi natin na, pabago-bago ang iyong mga katangian at ugali sa harap ng iba’t ibang tao.
Ito ang tanong, masama ba maging plastic phenotype? Matatawag ba natin na fake ang mga taong plastic?
Para sa akin, may mga level o grado ang pagiging plastic ng tao. Ito ang sumusukat kung masama na ang pagiging plastic o hindi.
  1. LEVEL 1 - Plastic ka sa ibang tao para hindi mo masaktan ang damdamin nila. Tinitiis mo silang tanggapin despite sa ayaw mo sa mga katangian o ugali nila. Sa maikling salita, takot ka kaya nagpasya ka na lang maging plastic.
  2. LEVEL 2 - Plastic ka para maging parte ka ng isang grupo na importante para sa iyo. Pinili mo ang labels over true identity. Go with the flow ang pananaw mo at hindi against the flow.
  3. LEVEL 3 - Plastic ka para makilala mo ang ibang tao at malaman ang mali sa kanila upang maibaba sila. Ito ang mga insecure na tao.
  4. LEVEL 4 - Plastic ka dahil gusto mo na mapansin ka ng iba. Nagbabago ka ng ugali para sa ibang tao. Ito ang mga tao na magbabago para magusto.
Ang mga gradong nabanggit ay maaring mag-apply sa lahat ng tao. Minsan naman, hindi mo mahahanap ang sarili mo diyan.
Para sa akin, ang pagiging plastic ay mabuti at masama. Mabuti ang pagiging plastic dahil gusto mo magkaroon ng kaibigan ang mga taong ayaw ng iba. Masama ito dahil ginagamit mo na ito bilang maskara para gustuhin ka ng iba.

LGBT

LGBT

Iba’t iba ang pananaw ng mga Pilipino pagdating sa isyu ng LGBT o Lesbian, Gay, Bisexual and Transgenders. Pero, karamihan ng mga Pilipino ay malakas ang diskriminasyon sa mga taong nabubuhay sa ganitong uri ng sexual orientation.
Dalawa ang opinyon ng mga tao ukol sa LGBT. Ito ay ang opinyon ng simbahan at ang opinyong pang-agham.
Para sa simbahang Katoliko, walang ginawa ang Diyos na third sex at mayroon lamang kinikilalang dalawang uri ng sexual orientation, ang lalaki at ang mga babae. Para sa agham, isang disorder ang pagiging LGBT.
Hindi natin masisisi ang mga tao sa iba’t ibang pananaw nila ukol sa isyung ito. Sadyang mayroon tayong mga opinyon na taliwas sa paniniwala ng iba. Pero, sa lahat ng mga maaring masabi tungkol sa LGBT, isang bagal lang ang ating hindi maitatanggi. Ito ay ang diskriminasyon na natatanggap nila mula sa karamihan.
Mayroon diskriminasyon sa isang lipunan dahil ang karamihan ay hindi kayang tanggapin ang isang bagay na unti-unting nagiging parte ng sosyedad.
Bakit nga ba na hindi natin matanggap na mayroong LGBT community na nabubuhay, hindi lamang sa Pilipinas ngunit sa buong mundo?
Hindi mali ang pagiging miyembro ng LGBT community. Hindi rin natin masasabi na ipinanganak silang ganoon dahil tayo ang pumipili ng gusto natin sa buhay. Ngunit hindi nila pinili na mabigyan ng kahihiyan at diskriminasyon. Pinili nilang matanggap kahit sa pinakamaliit na bagay lamang.
Maraming kaso kung bakit nagkakaroon ng third sex, kung ating tatawagin, sa ating lipunan. Marapatin na lang na atin itong tanggapin. Walang masama sa pagiging kasapi ng LGBT community. Hindi rin masama kung tatanggapin mo sila at ang pagkaroon ng third sex.

Self-esteem

Isa sa mga suliranin ng mga estudyante, at madalas ng mga high school students, ay ang pagkaroon ng mataas na self-esteem o self-confidence. Ito ay tila, hindi nila kayang magintroduce ng sarili sa klase dahil nahihiya sila.
Maraming dahilan ang mayroon sa likod ng mababang self-esteem. Depende ito sa experience ng isang tao. Ang iba, ginagawang school punching bag at inaabuso ng mga bully, ang iba pinapaulanan ng insulto at ang iba naman talagang mahiyain lang.
Bakit ka ba takot gumawa ng hakbang? Bakit ka ba nahihiya?
Noong ako ay high student pa lamang, mayroon kaming program sa school na nangangailangan ng mga student performer. Ito ay ang mga dancer, singer o kaya mga kabilang sa perfoming arts.
Pansin ko lamang na pare-parehas ang nagpeperform tuwing may program. Sila lang ba ang may talent? Maaring oo pero mas madalas na hindi ang sagot. Mayroon pang iba, nahihiya lang.
Alam mo, walang ipinagkaiba ang crowd na namamato ng kamatis at nagsasabi ng “boo” sa crowd na pumapalakpak at nagaappreciate ng ginawa mo. Parehas lang sila na gumagawa ng ingay. Kung paano mo ito tatanggapin, iyon ang ipinagkaiba.
Walang masama kung susubukan mo.

Ang Pinoy at Social Networking Websites


Ibang-iba ang setting ng social networking sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa. Hindi maiwasang sumagi sa aking isipan ang paramihan ng likes at followers tuwing naririnig ko ang pagbanggit ng Facebook ng isang Pilipino sa kapwa Pinoy.
Bakit ganito ang social networking para sa mga Pilipino? Paramihan ng likes. Paramihan ng followers, friends or contacts.
Para sa akin kasi, ginawa ang social networking websites upang mas mapadali ang communication sa pagitan ng dalawa o mas marami pang tao. Dagdag pa, ang social networking websites ay isang tulay upang mas makilala pa ng mabuti ng isang tao ang isa pang tao.
Marami lang kasi akong nakikita sa Twitter na, “please follow back,” o kaya “add me” sa Facebook.
Napakauseless lang kasi. I-fofollow kita kung gusto ko. Hindi mo kailangan diktahan kung sinu-sino ang dapat kong ifollow o i-add.
Kung insecure ka sa mga internet celebrities, ibahin mo ang pananaw mo. Hindi naman instant ang status nila sa internet. Pinaghirapan nila iyon. Kung ano man ang ginawa nila, siguro, marami ang nagkaroon ng interes.
Para saan ba ang like Facebook? Para sa contest ba?
Hindi ko lang talaga maintindihan. Ang gulo.

Pag-ibig

Pansin ko lang, madalas na problema ng kabataan ngayon ang buhay pag-ibig. Ang tipong, mamamatay sila kapag hindi nakibalikan ang irog nila. Iba na ang pananaw ng kabataan sa pag-ibig ngayon.
Hindi siguro nagkakamali ang mga matatanda tuwing sinasabi nila na mababaw na ang tingin ng kabataan sa pagkaroon ng relasyon. Kasi kung bibigyan mo ito ng pansin, mababatid mo na kahit elementary student pa lamang, may boyfriend o girlfriend na siya.
Siguro, hindi na rin natin masisi ang kabataan. Naiimpluwensyahan kasi tayo ng iba’t ibang bagay at tao, lalo na ng media.
Pero siguro magugulat ka kung may makikita kang bata na nagrereklamo na NGSB o NBSB siya. Ang bata mo pa, pero iniisip mo na yan.
Pero hindi ba na mas nakakagulat kung ang ibig sabihin pala niya ay “No Girlfriend Since Breakup o No Boyfriend Since Breakup”?
Isa siguro ito sa mga dapat iwasto. Nawawala na ang tunay na essence ng pag-ibig. Nagbago na si Ibarra at Maria Clara.

How to Deal With a Break Up

Breaking up with the person you love or the mere fact of ending a wanted relationship is probably one of the most difficult things to do but we have to admit, moving on is more of a task.
Most people usually dwell on the fact that their relationship ended rather than dealing with the situation and having some positive mojo.
Here are the 10 ways on how to cope up with a break up or how to move on from an ended relationship.
  1. Forget about revenge - Don’t mind your ex-partner and just focus on yourself even just for a while. Revenge won’t help you move on. It will just make things worse for the both of you.
  2. Reward yourself - Treat yourself to a movie or to a mug of one hot Starbucks. Most importantly, pamper yourself. You need to do a “myself work” in order for you to have positive energies flowing.
  3. Find a new hobby - Search for a new hobby or a new interest so that your attention will be diverted to something else. This will help you focus on a different thing and not about the break up.
  4. Connect with other people - Go out with your friends or spend some time with your family. It always matters to remember what matters the most, which is both family and friends. They always got your back through thick and thin.
  5. Acceptance - Accept the fact that it is over. You have to face reality with courage.
  6. Give yourself time - Allow yourself to heal even if it takes you so long. It is important that you will let all of the wounds heal before having another battle or being committed to another person. Time is the name of the game.
  7. Disconnect - Disconnect with your partner to the extremes. Communication with an ex-partner won’t provide you enough space to heal.
  8. Music helps - Listen to music that doesn’t help you remember your previous relationship. Music should help you move on and not dwell on the fact that you’re hurt and everything is over.
  9. Move on - Surround yourself with people who respect your feelings as much as they respect you as a person. You have to look forward since it what matters the most.
  10. Be happy - Let yourself get more out of life. Enjoy and gain some positive mojo. Channel your energies to something that makes you happy and what makes everything worthwhile.

Ivan Henares' Dictionary of Philippine Street Food

Ivan Henares' Dictionary of Philippine Street Food

  • Abnoy - unhatched incubated duck egg or bugok which is mixed with flour and water and cooked like pancakes
  • Adidas - chicken feet, marinated and grilled or cooked adobo style
  • Arroz caldo - rice porridge or congee cooked with chicken and kasubha; see also Lugaw
  • Atay - grilled chicken liver
  • Baga - pig’s or cow’s lungs grilled or deep-fried and served with barbeque condiments
  • Balat ng manok - see Chicken skin and Chicharon manok
  • Balun-balunan - grilled chicken gizzard
  • Balut - hard-boiled duck egg with fetus
  • Banana cue - deep-fried saba (banana) covered with caramelized brown sugar
  • Barbeque - marinated pork or chicken pieces grilled on skewers
  • Batchoy - miki noodle soup garnished with pork innards (liver, kidney and heart), chicharon (pork skin cracklings), chicken breast, vegetables and topped with a raw egg; origin traced to La Paz, Iloilo
  • Betamax - curdled chicken or pork blood, cubed and grilled
  • Bibingka - glutinous rice flour pancakes grilled with charcoal above and below in a special clay pot
  • Biko (also Bico) - glutinous rice cake with grated coconut topping
  • Binatog - boiled white corn kernels, sugar, grated coconut and milk
  • Bopis - minced pig’s heart and lungs sauteed with garlic and onion and seasoned with laurel, oregano, bell pepper and vinegar
  • Botsi - chicken esophagus, deep-fried or grilled
  • Calamares - deep-fried squid in batter
  • Calamay (also Kalamay) - glutinous rice cakes; varieties all over the country
  • Camote cue - deep-fried camote (sweet potato) covered with caramelized brown sugar
  • Carioca (also Karyoka, Karioka) - deep-fried glutinous rice flour cakes served on skewers
  • Cheese sticks - deep-fried cheese wrapped in lumpia (spring roll) wrapper
  • Chicharon baboy - pork skin cracklings, made from pork rind boiled and seasoned, sun-dried and deep-fried
  • Chicharon bituka - pork or chicken intestine boiled, seasoned and deep-fried
  • Chicharon bulaklak - pork omentum boiled, seasoned and deep-fried
  • Chicharon manok - chicken skin cracklings
  • Chicken balls - balls made with chicken meat, deep fried and served in skewers with a sweet, sour or spicy sauce
  • Chicken skin - chicken skin battered and deep fried
  • Cutchinta - see Kutsinta
  • Day-old chicks - literally day-old chicks deep-fried to a crisp, served with sauce or vinegar
  • Empanada (Batac) - pork longganiza, egg and grated green papaya in a rice flour shell, deep-fried and served with vinegar
  • Fishballs - balls made with fish meat, most often from pollock, deep fried and served in skewers with a sweet, sour or spicy sauce
  • Goto - rice porridge or congee cooked with beef tripe
  • Halo-halo - translated as “a mix of many things” or “an assortment,” it is a dessert topped with shaved ice that may contain sweetened saba (banana), camote, macapuno (young coconut), kaong, nata de coco, pinipig (rice crispies), gulaman (agar), sago (tapioca balls), brown and white beans, garbanzos, ube (purple yam), and leche flan (creme brulee), with milk and sugar; Pampanga has three popular versions in Guagua, Arayat and Angeles which may include pastillas, crushed white beans and corn
  • Helmet - grilled chicken head
  • Hepalog (also Toknonong) - hard-boiled duck eggs dipped in orange batter and deep-fried
  • Isaw - collective term for different types of grilled chicken and pork innards; varieties include isaw manok, isaw baboy, atay, goto, botsi, balun-balunan, and tenga ng baboy
  • Isaw baboy - grilled or deep-fried pork intestines on a skewer, served with sweet, sour or spicy sauce
  • Isaw manok (also IUD) - grilled or deep-fried chicken intestines on a skewer, served with sweet, sour or spicy sauce; also referred to as IUD because it resembles an intra-uterine device
  • Iskrambol (also Scrambol) - frostees; shaved ice, diced gulaman, sago and condensed milk
  • IUD - see Isaw manok
  • Kakanin - collective term for snacks made with kanin (rice), particularly malagkit (glutinous) rice; varieties include puto, kutsinta, calamay, sapin-sapin, suman, palitaw, biko or sinukmani, and espasol among many others
  • Kalamay - see Calamay
  • Kamote cue - see Camote cue
  • Kikiam - the special ones are made of ground pork and vegetables wrapped in bean curd sheets, deep-fried and served with sweet, sour or spicy sauce; those in the street are seafood-based, usually made of fish meat and cuttlefish
  • Kudil - deep-fried pork skin
  • Kutsinta - steamed bahaw (boiled rice) with lye and brown sugar; has a gelatinous consistency
  • Kwek kwek - see Quek quek
  • Lomi - noodle soup made with thick fresh egg noodles or lomi
  • Longganiza - pork sausage grilled or fried on a skewer
  • Lugaw - rice porridge or congee; varieties include arroz caldo (with chicken and kasubha) and goto (with beef tripe)
  • Lumpia - spring rolls; varieties include lumpiang basa; lumpiang hubad - fresh spring rolls wothout the wrapper; lumpiang prito; lumpiang sariwa - fresh srping rolls; lumpiang shanghai; lumpiang ubod; and turo
  • Mais - boiled sweet corn seasoned with salt, butter or margarine
  • Mais con yelo - sweet corn, milk and sugar topped with shaved ice
  • Mami - noodle soup
  • Manggang hilaw - green mango served with bagoong (shrimp paste)
  • Mani - peanuts either boiled, roasted or deep-fried and seasoned with garlic and salt
  • Maruya - banana fritters
  • Nilupak - mashed kamoteng kahoy (cassava) or kamote (sweet potato) with brown sugar and served with butter or margarine
  • Palitaw - glutinous rice flour pancakes topped with grated young coconut, sugar and roasted sesame seeds
  • Panara - deep-fried crab and grated green papaya empanda sold in Pampanga during Christmas season
  • Pancit - noodles; varieties are batchoy (Iloilo) - see Batchoy; batil patung (Tuguegarao) - local noodles topped with hot dogs, chicharon, ground meat, fried egg, and vegetables; pancit bihon; pancit canton - a kind of pancit guisado flavored with ginger and soy sauce; pancit guisado, pancit habhab (Lucban) - sautéed miki noodles served on and eaten straight from banana leaf sans utensils; pancit lomi - see Lomi; pansit luglog (Pampanga and Tagalog Region) - it has a distinct orange shrimp-achuete sauce and is topped with chicharon, tinapa, wansoy and shrimp; pancit malabon (Malabon) - made with thick rice noodles tossed in shrimp-achuete oil topped with shelled oysters, squid rings, suaje or hipong puti and wansoy; pancit molo (Iloilo) - clear chicken broth with wonton, garlic and crushed chorizo; pancit palabok; pancit puti (Manila); and pancit sotanghon among many others
  • Pandesal (also Pan de sal) - breakfast roll; rounded bread
  • Pares - translated as “pair,” means the pairing of rice with beef; beef pares is characterized by very tender meat, usually with a lot of litid (ligaments)
  • Penoy - hard-boiled duck egg without fetus
  • Proven - hard portion of chicken entrails that is either marinated and grilled, battered and fried or cooked adobo style
  • Pusit - squid grilled on skewer
  • Puto - steamed rice cake
  • Puto bumbong - purple glutinous rice snack cooked in a special steamer
  • Quikiam - see Kikiam
  • Quek quek (also Toknanay) - hard boiled chicken eggs dipped in orange batter and deep-fried; also used for quail eggs but some say the correct term for the quail egg version is tokneneng; the balut version is sometimes referred to as hepalog
  • Sapin-sapin - layered glutinous rice and coconut milk cake usually topped with grated coconut and latik (residue from coconut oil extraction); different flavor per layer such as ube (purple yam), macapuno (young coconut), kutsinta and langka (jackfruit)
  • Scrambol - see Iskrambol
  • Sinukmani - see Biko
  • Siomai - steamed pork dumplings
  • Siopao - steamed pork buns
  • Sisig - roasted pig’s head, chicken liver, onions and chili, chopped and flavored with calamansi served on a hot metal plate
  • Sorbetes (also Dirty ice cream) - street ice cream made with local fruits and ingredients; common flavors include ube (purple yam), mango, avocado, queso (cheese), chocolate, langka (jackfruit), buko or macapuno (coconut); strawberry is common in Baguio City
  • Squid balls - balls made with squid or cuttlefish meat, deep fried and served in skewers with a sweet, sour or spicy sauce
  • Suman - glutinous rice snack steamed in banana or coconut leaves; varieties include binagol (Leyte) made with glutinous rice, gabi (taro), coconut milk and chocolate; budbod sa kabog (Tanjay, Negros Oriental) which uses millet instead of glutinous rice; Taho - bean curd snack topped with arnibal (liquefied raw sugar similar to molasses) and sago (tapioca balls)
  • Tenga ng baboy (also Walkman) - marinated pig’s ears grilled on skewers; see also Kudil
  • Toknanay - see Quek quek
  • Tokneneng - hard boiled quail eggs dipped in orange batter and deep-fried; also called kwek kwek by others
  • Toknonong - see Hepalog
  • Tupig (also Itemtem) - glutinous rice, grated mature coconut, coconut milk and molasses rolled in banana leaves and grilled; varieties in Pangasinan, Ilocos Norte (Batac) and Isabela
  • Turon - saba (banana) with with sugar and sometimes langka (jackfruit) wrapped in lumpia (spring roll) wrapper and deep-fried
  • Walkman - see Tenga ng Baboy
Sabi ng iba, mas cool at mas masaya ang pagiging single. Marami ka kasing nagagawa ng walang limitasyon.
  1. Makakagala kasama ang kaibigan.
  2. Makakapagdate kung kanino man.
  3. Wala kang iintindihin na ibang tao.
  4. Walang mangingialam kung ano man ang ginagawa mo.
Masaya nga ba kapag ganyan ang buhay ng isang tao? Hindi ba mas masaya at mas masarap ang pakiramdam na mayroong taong nagaalala, pumapansin at nagmamahal sa’yo?
Yung tipong bago ka matulog, may mababasa ka na text message na nagsasabing, “Good night. I love you.”

Stages in a Relationship

  • STAGE 1: MEETING - This is the first time that the both of you will actually see each other. It will all start with one thing and end up with the both of you having a comfortable time talking. It’s like you have known each other for quite a long time now.
  • STAGE 2: CHASE - Some people say that this is the best part. You get to know more about the other person after a series of dates. This is where you answer a “yes” or a “no”.
  • STAGE 3: HONEYMOON - When you’re officially a couple, the both of you can do everything. This stage provides that. It is where you can show your affection to your partner and use the pronoun “us”.
  • STAGE 4: COMFORTABLE - Being comfortable isn’t necessarily bad. It is where you can be yourself and just show it but it depends on what will you do with that comfort. Some use it positively, helping the relationship grow. Others use it to create distance. You take each other granted or people changing over time. Bottom line is, someone stops trying. The feelings aren’t as strong as before.
  • STAGE 5: TOLERANCE - Excuses build up and it can get very disappointing. It can happen gradually and you won’t see it coming. Arguing is one thing but feeling unhappy and dissatisfied with the relationship is another.
  • STAGE 6: DOWNHILL - The effort to try and make things work isn’t worth it anymore. 
  • STAGE 7: BREAKING UP - Thinking that ending it is what’s for the best. The change will be so drastic that you probably wanted to get back right right away just to restore what is missing.

Bullying

Talamak ang pag-insulto at pang-aaway sa mga paaralan ngayon. Hindi lamang sa Pilipinas ngunit, pati sa ibang bansa. Dalawa lamang ang rason kung bakit mayroong mga bully sa mga paaralan. Panguna, feeling ng mga bully ay malakas sila kapag mayroon silang nasasaktan. Pangalawa, biktima rin sila ng bullying dati.
Mas pinipili ng mga bully na insultuhin o saktan ang mga taong ayaw nila ang itsura o ugali. Madalas nagiging biktima ng bullying ang mga nerd, payat o lampa at LGBT. Depende rin kasi sa social standing yan sa paaralan. Mayroon talagang mga sikat, pasikat at mga hindi kilala.
Maliban sa physical na sakit na mararamdaman ng mga biktima ng bullying, ramdam rin nila ang emotional hurt at takot. Ito ang tipong, hindi sila mapanatag na ligtas sila sa paaralan nila. Ramdam nila, palaging mayroong aatake sa kanila.
Nakakaapekto ang bullying sa pag-aaral ng isang estudyante. Hindi kasi sila nakakapagfocus. Mas iniisip nila kung paano sila makakapagtago.
Kung biktima ka ng bullying, ang dapat mo na gawin ay sabihan ang isang nakakatanda. Maaring sabihan mo ang iyong guro o adviser sa klase. Una sa lahat, dapat hindi ka matatakot. Dapat handa ka na ipaglaban ang sarili mo.

Mga Libangan ng Estudyante

Hindi natin maiiwasan na mabore sa isang klase lalo na kapag wala kang interes sa subject o sa istilo ng pagtuturo ng guro mo. Ang listahan na ito ay naglalaman ng iba’t ibang uri ng libangan na maaring gawin sa loob ng classroom habang nagtuturo si Ma’am ng Newton’s 2nd law of motion.
  • F.L.A.M.E.S - Sa larong ito, susubukan mo kung compatible kayo ng crush mo na palaging mong tinititigan tuwing klase, recess at lunch break.
Things needed: Ballpen at papel
Instructions: Isulat ang buong pangalan at ang pangalan ni crush. Alisin ang common letters ng pangalan ninyong dalawa at bilangin ito. Matapos i-cross out at bilangin, gamitin ang acronym na f.l.a.m.e.s at itapat ang pagbilang nito sa dami ng common letters ng pangalan ninyo. Kapag tumapat sa S at hindi pa tapos ang bilang, bumalik sa F. Ulit-ulitin hanggang matapos magbilang.
Meaning ng acronym na F.L.A.M.E.S: Friends, Lovers, Admirers, Married, Engaged, Soulmates.
Kapag hindi nakuntento sa sagot, gamitin ang H.O.P.E. - Hindi, Oo, Puede at Ewan. Same instructions lang din katulad sa F.L.A.M.E.S.
  • OUTER SPACE BATTLE / GIYERA - Maglalabanan kayo ng kaibigan mo. Parang outer space battle.
Things needed: Ballpen, dalawang ballpen na magkaiba ang kulay at detergent bar.
Instructions: Gumawa ng base sa opposite sides ng papel. Magkaiba ang shape ng mga minions ninyo. Puedeng star, bilog, square, oval, heart o kahit anong shape. Idulas ang ballpen sa papel upang makatira. Kapag tinamaan ang minion ng kalaban, back to base siya. Ang unang makaabot sa base ng kalaban, siya ang panalo.
Gamitin ang detergent bar panglaba ng uniform dahil tinamaan ito ng tinta ng ballpen.
  • S.O.S - Simpleng laro para sa two players.
Things needed: Ballpen at papel na may grid.
Instructions: Parang tic-tac-toe ang drama pero SOS ang bubuuin mo.
At kapag recess naman o lunch break, maari mong laruin ang mga nabanggit sa ibaba.
  • TOUCH BALL - Parang dodge ball ng mga Kano pero pang-Pinoy ang dating.
Things needed: Scotch tape at papel.
Instructions: Gumawa ng bolang papel na malaki at balutan ito ng sandamakmak na scotch tape. Dapat matigas ito at matibay.
Mayroong dalawang teams na magtatayaan gamit ang bola. Babatuhin ng bola ang isang taya sa gitna ng magkabilang tao sa gilid. Kailangan umiwas ng taya sa bola upang maisalba ang buhay niya. Kapag nasalo niya ang bola, may extra life siya. Kapag nataya lahat ang miyembro ng isang team, magpapalitan ng roles. Mangtataya naman ngayon ang kaninang tinataya. Paramihan ito ng matataya.
  • DR. KWAK-KWAK - Magpupulupot kayong mga magkakaibigan at susubukan itong isolve ni Dr. Kwak-Kwak (taya).
Things needed: Mga kalaro.
Instructions: Mayroong isang taya na magtatakip ng mata habang magpupulupot at isang grupo. Susubukan itong isolve ni Dr. Kwak-Kwak. Kapag natanggal ni Dr. Kwak-Kwak ang pagkakapulupot, tatanggalin naman niya ang pagkakabigkis ng mga miyembro ng grupo. Kapag natanggal lahat, habulan na. Ang mataya, siya ang susunod na Dr. Kwak-Kwak.
  • SIPA - Ang pambansang laro ng Pilipinas.
Things needed: Washer, straw.
Instructions: Gumawa ng sipa o maaring bumili na lang din. Tamaan ang sipa gamit ang paa ng paulit-ulit. Dapat hindi ito malaglag.
  • MORO-MORO - Parang agawan base at ubusang lahi.
Things needed: Kalaro at dalawang base.
Instructions: Kailangan ng dalawang base na babantayan ng dalawang tao. Magtatayaan ang dalawang grupo. Parang ubusang lahi. Dapat mahawakan ng kalaban ang base ng kabila upang manalo.
  • PEPSI - 7 UP - Parang freeze game na may habulan sa dulo. Cool.
Things needed: Mga kalaro.
Instructions: Mayroong taya na nakatalikod sa mga manlalaro. Babanggitin niya ang Pepsi habang nakatalikod. Puede prolonged ang pagkakasambit. Habang nakatalikod ang taya, lumalapit sa kanya ang mga manlalaro. Haharap ang taya kapag sinabi niyang 7 UP at magfrefreeze ang mga manlalaro.
Kapag nalapitan na ng manlalaro ang taya, habulan na. Ang mataya ng taya, siya ang susunod na babanggit ng Pepsi - 7UP.

College Entrance Exams 101

Para sa mga senior high school students, panahon na naman ng mga college entrance exams. Ito ang nagpapasya kung saan ka mag-aaral na university o college, sa Maynila man o sa probinsya.
Ano ang ginagawang paghahanda ng isang senior student para sa college entrance exams? Para sa akin, mayroong siyam na tips upang makasiguro ang tagumpay sa college entrance test.
  1. ATTEND EXAM REVIEWS - Mag-apply ka para sa examination reviews na catered ng iba’t ibang review centers. Mas madagdagan ang iyong alam at mamumulat ka sa ibang bagay na hindi mo pa nalalaman. Nakatutulong ito dahil makakakuha ka ng mga technique sa pagsagot ng mga iba’t ibang uri ng exam.
  2. CAREER FAIR - Importante na alam mo ang goals mo sa buhay at ang mga ambitions mo. Attend career fairs para mas malinaw sa’yo ang mga possible careers kapag kumuha ka ng isang kurso.
  3. JOT DOWN - Mas mainam kung magsusulat ka ng mga importanteng detalye ukol sa college entrance exams. Take down mo ang date ng exams, ang pagsumbit ng application forms at iba pa.
  4. READ - Hindi mo naman kailangan malaman lahat, basta marami ka lang alam. Kung ano ang subjects mo noong high school, iyon lang din ang laman ng entrance exam. Ang ibang exams, may essay kaya mas maganda kung wide reader ka para mas broad din ang compositions mo sa exam.
  5. FOLLOW INSTRUCTIONS - Bago magsimula ang exam, basahin muna ang instructions. Huwag excited. Mas maganda kung masusunod ang panuto dahil kung hindi, maaring maforfeit ang exam.
  6. NO. 2 PENCIL AT BALLPEN - Magdala ng no. 2 pencil at ballpen sa exam. Magdala din ng extra at isang pencil sharpener. Iba na ang handa.
  7. SCAN THE EXAM - Go through the exam first. Basahin mo muna ang mga tanong at sagutin ang mas madali. Nakakatipid ito sa oras lalo na at gipit ka dahil sa time allotted.
  8. SHADE PROPERLY - Sa ibang exam, shading ang nangunguna dahil multiple choice ang type. Ayusin ang pagshade, huwag kulang. Huwag na huwag ka rin lalagpas, hindi ka na preschool.
  9. FINALIZE - Bago isubmit ang exam, siguraduhin ang mga sagot at siguraduhin na nasagutan ang lahat.