Thursday, August 4, 2011

M.U (Mutual Understanding)

M.U ? ano nga ba ang true meaning ng  M.U??
madaming kahulugan ang M.U . para sakin ay mayroong dalawang uri ng MU:

MU#1 (malabong usapan)
       -eto yung feeling na hindi nyo maipaliwanag ng kapartner mo yun true status nyo . hind mo alam kung gusto ka nya . kasi gusto mo din sya . o di naman takot kayong aminin yung tunay na nararamdaman nyo sa isa't isa kasi iniisip nyo ang pagkakaibigan nyo .

MU#2 (malanding ugnayan)
       -yung kung makapag iloveyou at iloveyoutoo sa isat't isa, daig pa magbf/gf .tapos lumalabas ng silang dalawa lng .. yun bang obvious na obvious sa mga kilos ang kanilang status eh idedeny pa ..yung parang fling fling kung tawagin

iba iba man an guri ng M.U
iisa pa rin ang ugat ng lahat nga ito 
yun ay yung pagibig (LOVE)
may mga tao lng talaga na sadyang ayaw 
ihayag ang kanilang love status :Dv

Tuesday, July 12, 2011

LRT at MRT


Hindi na siguro nakapagtataka ang dami ng tao sa LRT o kaya sa MRT. Maliban sa highly densed ang populasyon sa Maynila at ang LRT at MRT ay kabilang sa mga pangunahing transportasyon sa Maynila, tiyak na mapapabilis ang iyong biyahe sa napakamurang halaga.
Laging sumasagi sa aking isipan ang mga bagay-bagay na hindi ko kayang masikmura kapag sumasakay ako sa LRT o kaya sa MRT.
  • MGA LALAKING NAKASANDO: Maliban na lang kung ikaw ay isang artista, hindi kita gagalangin. Bukod kasi sa napainit na nga sa loob ng tren at sobrang sikip, dumidikit pa ang mga braso mong malagkit sa akin. Hindi kasi kaaya-aya kapag inilalahad mo pa ang kili-kili mong may buhok habang malalaman namin na nakalimutan mong Rexona won’t let you down.
  • CHIT-CHAT: Pagod ka na nga galing paaralan o kaya opisina, may maririnig ka pa na usap nang usap sa loob. Mga grupo ng mga magkakaibigan. Feeling kasi nila narentahan nila ang buong tren at wala silang kasama. Sobrang ingay kung magusap. Magkaharap lang naman sila.
  • “EXCUSE ME”: Hindi ako sigurado kung sa Pilipinas lang nangyayari ang ganito: mayroong mageexcuse me sa likod mo, pararaanin mo siya tapos sabay ka niyang hahawiin. Narinig kita, pero please, sandali lang. Takot ka bang maipit sa pinto? Hindi mo kailangang manulak.
  • MR DJ: Batas na siya sa loob ng tren. Bawal gumamit ng mp3 o iPod ng hindi nakaheadset o headphones. Hindi lang talaga sila nakakaintindi. Ang aga-aga tapos ang lakas-lakas ng sounds mo. Magugulat ka na lang na biglang Willie Revillame pala ang pinakikinggan niya.
  • BODY ODOR: Kasama ito kay mamang nakasando na nabanggit ko na sa itaas. Masyado siyang nagpapawis at halatang nagtitipid sa deodorant.
  • HINDI GENTLEMAN: May buntis, pilay, matanda o kaya babae pero ang mga lalaking malulusog at malalaki ang katawan hindi man lamang tumayo. ang dahilan nila, hindi na uso ang gentleman ngayon dahil hindi naman nagpapasalaman at mga pinapaupo. Magandang dahilan ba iyon? Hindi ka tunay na lalaki kapag ganyan ang pananaw mo. Hindi ka na naawa kay lola.
  • FEMALE AREA: Hindi ko maintindihan kung bakit may mga lalaki na pumunta o sumasakay sa female area. Tama, FEMALE AREA. Ang mga sikyo naman, hindi sinisita. Kaya sila sumasakay, kasi hindi binabati.

Tuesday, July 5, 2011

Sino si Rizal para sa Kabataan?

Sino si Rizal para sa Kabataan?

Bago ko simulan ang sulatin na ito, nagsimula ako ng isang pagbobotohan dito sa Tumblr na may katanungang, “Maliban sa pagiging pambansang bayani ng Pilipinas, sino si Jose Rizal para sa iyo?”
Karamihan ng tingin ng kabataan kay Jose Rizal ay isa siyang babaero. Marahil, hindi natin siya masisisi kung marami siyang kalaguyo sa kadahilanang siya ay pumunta sa iba’t ibang bansa upang mag-aral, manggamot at ilimbag ang kanyang mga nobela.
Pero, bakit nga ba naging babaero si Rizal?
Bakit sa dinami-dami ng maaring gamitin na pang-uri, babaero o womanizer ang napili ng karamihan? Maari naman natin sabihin na siya ay isang manggagamot, manunulat o kaya inspirasyon ng kabataan.
Ito ba ay isang senyas na nagsasaad na iba na ang tingin ng kabataan sa ating pambansang bayani?
Ano ba ang ibig sabihin ng babaero o womanizer?
Ang womanizer ay isang lalaki na nagkaroon ng sabay-sabay na relasyon sa maraming babae. Ang tanong, pinagsabay-sabay ba ni Rizal sila Beckett, Rivera, Valenzuela, Boustead, Katigbak, Bracken, O Sei San, Ortiga at Jacoby?
Hindi pinagsabay-sabay ni Rizal ang siyam na babae. Nagkataon lang na marami sila.
Kung ikaw ay tatanungin muli, sino si Rizal para sa’yo?

Bakit ka ba tinatamad?

Bakit ka ba tinatamad?

Naging parte na ng buhay estudyante ang pagiging tamad o ang pagdelay ng mga gawaing akademiko. Bakit ba naging parte ito ng buhay estudyante? Kasama ba talaga ito o hinayaan natin na masama ito?
Apat lamang ang rason kung bakit tamad ang estudyante.
  1. Hindi niya gusto ang ipinapagawa sa kanya ng kanyang guro.
  2. Mayroon siyang kagrupo na wagas gumawa at angkinin lahat ng trabaho. Kaya para sa kanya, bakit ka pa gagawa kung may gagawa na naman?
  3. Pagod na siya mag-aral.
  4. Hindi mo nakamit ang gusto mong marka kaya tinamad ka na lang. Bakit mo pa susubukan muli kung mabibigo ka lang naman?
Lahat ng mga nabanggit ay hindi magandang rason dahil sa una pa lamang, dapat hindi tayo maging katulad ni Juan Tamad. Ayon kay Rizal, tayo ang pag-asa ng bayan. Paano magkakaroon ng pag-asa ang Pilipinas kung tayo ay tamad?
Lahat ng magulang ay gusto ang kanilang mga anak na makakuha ng mataas na marka. Pero hindi iyon ang mas importante. Para sa kanila, basta magawa mo ang makakaya mo at mapasa mo lahat ng marka mo sa iyong mga asignatura, masaya na sila.
Kung ikaw ay madalas na nagrereklamo na palagi kang mababa sa lahat ng marka mo, magisip-isip ka. Hindi dapat lahat sa guro isinisisi ang lahat, may parte din tayo sa ating pag-aaral. Tayo ang gumagawa ng marka natin, hindi sila. Kung ano ang itinanim, siya ang aanihin.
Tamad lang ang bumabagsak at pumapalpak sa buhay, ang bobo hindi.

Puppy Love

Puppy Love

Ang pag-ibig walang pinipiling tao. Lahat tayo tinatamaan nito. Siguro kahit noong bata ka pa, may itinuturing ka na tao na binansagan mong puppy love. Sabi ng lahat, ang puppy love ay wala lang, tipong makakalimutan mo at lilipas din.
Puppy love. Bakit puppy love ang tawag at hindi first love?
Marami ang nagsasabi na ang puppy love ay infatuation lamang. Ito ay parang lubusang paghanga sa isang tao, opposite sex man o hindi.
Para sa akin, ang puppy love, nanatili sa’yo yan hanggang sa iyong pagtanda. Iba kasi ang first, iba rin ang last.
Parang first kiss ang puppy love. Hindi mo malilimutan. Iba ang kirot ng puppy love, kikiligin ka parin kahit luma na.
Para sa’yo, ano ang puppy love? Does it stay with you?

Follow Instructions

Follow Instructions

Lahat tayo ay nagdaan sa instructions. Instruction sa paggamit ng bagong appliance, instruction sa pag-apply at higit sa lahat, instruction sa exam. Pero, hindi alam ng iba na madalas natin nilalabag ang mga instructions, o panuto sa ating sariling wika, sa halos lahat ng may panuto.
Isang halimabawa na lamang ang sitwasyon ng mga high school students.
Minsan, kapag nakapower trip ang mga guro, hindi sila pumapayag gumamit ng calculator tuwing exam. Lalo tuloy humirap ang exam sa Math. Pero, hindi Math ang punto ko dito, kundi ang calculator.
Bakit nga ba tuwing sinasabi ng guro natin na “No calculators,” parang lumalabag tayo at ayaw natin sundin ang panuto nila? Tatanungin pa natin, “Ma’am/Sir, bawal calcu?” Ano ba naman yan, ang kulit.
“Ma’am/Sir, sige na. Hayaan niyo na po kami magcalcu. Sige na po…”
Ang punto ko, bakit hindi natin kayang sumunod sa mga panuto? Simpleng bagay, pinapalaki pa natin. Dagdag sa stress, sabi ng iba. Kaysa makipagdebate ka pa sa guro mo, huwag ka na lang kayang gumamit ng calcu.
Dito pumapasok ang usapang rebelde at rebolusyonaryo.
Ang rebelde, laban ng laban para sa pagbabago pero siya, hindi naman nagbabago. Ang rebolusyonaryo, magbabago para magkaroon ng pagbabago.
Sa simpleng pagsunod lang ng mga panuto, maari kang maging rebolusyonaryo.
Sumunod na lang sa panuto. Huwag na maging pasaway.

Define Plastic

Define Plastic

Hindi ako magaling when it comes to defining characteristics ng mga iba’t ibang tao. In fact, naguguluhan pa nga ako minsan. Malabo lang din kasi minsan kung ano ang ipinagkaiba ng isang trait sa isa pang trait.
Isa sa mga bumabagabag sa aking isipan ay ang pagiging plastic o pagiging Orocan, in gay lingo.
Ano ba ang plastic trait? Bakit plastic trait ang tawag sa pagiging fake?
Ayon sa Biology, ang plastic phenotype ay ang kakayahang magbago ng isang organismo sa pagbabago ng kalikasan. Adjust, kung maitatawag natin sa ibang salita.
Sa tao naman, kaya plastic kasi nagbabago ka. Parang phenotypic plasticity na isinaad sa itaas. Masasabi natin na, pabago-bago ang iyong mga katangian at ugali sa harap ng iba’t ibang tao.
Ito ang tanong, masama ba maging plastic phenotype? Matatawag ba natin na fake ang mga taong plastic?
Para sa akin, may mga level o grado ang pagiging plastic ng tao. Ito ang sumusukat kung masama na ang pagiging plastic o hindi.
  1. LEVEL 1 - Plastic ka sa ibang tao para hindi mo masaktan ang damdamin nila. Tinitiis mo silang tanggapin despite sa ayaw mo sa mga katangian o ugali nila. Sa maikling salita, takot ka kaya nagpasya ka na lang maging plastic.
  2. LEVEL 2 - Plastic ka para maging parte ka ng isang grupo na importante para sa iyo. Pinili mo ang labels over true identity. Go with the flow ang pananaw mo at hindi against the flow.
  3. LEVEL 3 - Plastic ka para makilala mo ang ibang tao at malaman ang mali sa kanila upang maibaba sila. Ito ang mga insecure na tao.
  4. LEVEL 4 - Plastic ka dahil gusto mo na mapansin ka ng iba. Nagbabago ka ng ugali para sa ibang tao. Ito ang mga tao na magbabago para magusto.
Ang mga gradong nabanggit ay maaring mag-apply sa lahat ng tao. Minsan naman, hindi mo mahahanap ang sarili mo diyan.
Para sa akin, ang pagiging plastic ay mabuti at masama. Mabuti ang pagiging plastic dahil gusto mo magkaroon ng kaibigan ang mga taong ayaw ng iba. Masama ito dahil ginagamit mo na ito bilang maskara para gustuhin ka ng iba.